Linggo, Enero 6, 2013

Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal Teaching Demo at Banghay Aralin

PART 1
Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal








PART 2

Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal








PART 3
Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal







Banghay Aralin
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
Hindi Inilahad
Pamagat ng Aralin
Bourgeoisie, Merkantilismo at
Monarkiyang Nasyonal
Pamamalagi
45 Minuto
Lugar
Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan
Antas
Ika Siyam na Baitang
Layunin at Pagsusuri
Layunin
  • Masusuri ang mga pangyayari kung paano lumakas ang kapangyarihan ng mga bourgeoisie;
  • Maipaliliwang ang sistemang merkantilismo sa Europa at mga epekto nito;
  • Maiisa-isa ang mga salik sa pag-usbong ng monarkiyang nasyonal; at
  • Mapahahalagahan ang mga pagbabago sa Europa sa pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo at monarkiyang nasyonal.
Pagsusuri
  •  Pagbibigay ng Oral na presentasyon upang makapag-bahagi ng kaalaman ukol sa Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal
  •  Panimulang Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/Sanggunian
  •    Mga kagamitang panulat (Makukulay na papel, Karlolina, atbp.) 
Dahilan ng Paggamit: Upang makagawa ang ma mag aaral ng Biswal na presentasyon at mipaliwanag ng lubos ang kanilang ideya sa paksa)

  •        Mga artikulo tungkol sa aralin

  •    Modyul 10 Bourgeoisie, Merkantilismo at Monarkiyang Nasyonal

Dahilan ng Paggamit: Upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral sa mga impormasyong gagamitin
Paghahandang Pang
Mag-aaral
·         Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga artikulo ukol sa Bourgeoisie, Merkatilismo at Monarkiyang Nasyonal
·         Ang mga mag-aaral ay magdadala ng kanilang mga kagamitang panulat
Paghahandang Pang Guro
·         Pagkolekta ng mga artikulo na may koneksyon sa paksang tatalakayin.
·         Paghahanda ng iba pang mga larawan at iba pang materyales na may koneksyon sa aralin para sa karagdagan pang impormasyon.
Pamamaraan
Gawaing Mag-aaral
  •  Gagamitin ang mga artikulong naibigay upang maging gabay sa presentasyong gagawin.
  • Gamit ang artikulong naibigay, gagawa ang mga mag-aaral ng panibagong anyo ng teksto.      
  •  Halimbawa, sa anyong nagbabalita, nagsasalaysay, pabuod atbp.
  •   Maaari ring gawan ng buod na naaayon sa pagkaksunod-sunod ng pangyayari.
  • Maaari ring gamitan ng inobasyon at pagkamilikhain, maari itong gawing patula o pasanaysay.
Gawaing  Guro
· Pangungunahan ng guro ang pagpapakilala ng paksa na pag-aaralan
·   Pagbibigay ng direksyon sa gawaing nakalaan para sa mag-aaral
·    Pag-gabay sa mga mag-aaral na mga katanungan.

                                                                                               





Inihanda Nina:
Melanie J. Flores                                                                                                               Franz Dave A. Irinco
                                                                                                (Mga Guro)


Sinuri Ni:



SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punong Guro



PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang tamang sagot:

1. Bakit itinuring na mas abala ang naging kalakalan sa Silangang Europa kumpara
sa kanlurang Europa?

A. Hindi maunlad ang Kanlurang Europa.
B. Kawalan ng transportasyon at sapat na produkto.
C. Marangyang pamumuhay sa Kanlurang Europa.
D. Digmaang Sibil.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging sentro ng kalakalan sa Europa?

A. Venice
B. Genoa
C. Florence
D. Paris

3. Ligang nabuo upang maprotektahan ang kalakalan sa Hilagang Europa:

A. Hanseatic League
B. Merchant Guild
C. North Atlantic League
D. Baltic Guild

4. Ang pinakaabalang sentro ng negosyo sa Hilagang Europa atat naging sentro sa paggawa ng lana:

A. Florence
B. Bruges
C. Helsinki
D. Amsterdam

5. Kinilala dahil sa mabuting uri ng telang lana sa Europa:

A. Antwerp
B. Lisbon
C. Venice
D. London

6. Kalakalang naganap sa pagitan ng mga mangangalakal na ginanap lamang sa
loob ng isang taon.

A. Trade fair
B. Trade post
C. Palengke
D. Bangko

7. Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat sa lipunan.

A. Maharlika
B. Alipin
C. Bourgeoisie
D. Clergy

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang
pangkat?

A. May-ari ng mga bangko
B. Mga negosyante
C. Mga susunod na hari o pinuno
D. Wala sa nabanggit

9. Itinuturing na pinakabalakid sa kalakalan noong kalagitnaang panahon:
A. Kawalan ng salapi
B. Digmaang Sibil
C. Lindol, bagyo at kalamidad
D. Pang-aabuso ng Hari at ng Simbahan

10. Ang unang baryang ginto na ginamit bilang salaping internasyunal sa Europa:

A. Ducat
B. Florin
C. Bruges
D. Peso

11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod?

A. Nakilala ang tao ayon sa kanyang kakayanan.
B. Umunlad ang panggitnang uri ng tao sa lipunan.
C. Naging makapangyarihan ang hari.
D. Nagsimula ang Korporasyon.

12. Samahang lumaganap sa Europa na binubuo ng mga mangangalakal:

A. Craftsmen
B. Merchant’s Guild
C. Hanseatic League
D. Bourgeoisie
13. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng Merchant’s Guild?

A. Naprotektahan ang pansariling interes ng mangangalakal.
B. Naipunyagi ang karapatan ng bawat isa mangangalakal.
C. Nagpatuloy sa pagbabayad ng buwis ang mga mangangalakal.
D. Napaunlad ang kanilang negosyo.

14. Tawag sa samahan ng mga manggagawang may kasanayan:

A. Apprentice
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Craftsmen’s Guild

15. Manggagawang naglakbay upang kumita ng arawan:

A. Apprentices
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Craftsmen’s Guil

16. Isang dahilan kung bakit naging masikap ang mga bayan sa kalagitnaang Panahon:

A. Paglalagay ng mga pader.
B. Pagdami ng mga pamilihan.
C. Paglago ng dami ng mga manggagawa.
D. Wala sa nabanggit.

17. Isang suliranin sa mga bayan noong Panahonng Midyibal:

A. Pagkalumo sa alak
B. Prostitusyons
C. Nakawan
D. Lahat ng nabanggit

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kalakalan sa Panahong
Midyibal?

A. Espesyalisasyon
B. Bourgeois
C. Salapi
D. Wala sa nabanggit

19. Itinuring na sentro ng ruta ng pangangalakal sa Panahong Midyibal:

A. Fertile Crescent
B. Ilog Nile
C. Ilog Mississippi
D. Ilog Yellow

20. Alin sa mga sumusunod na daungan ang pinaka-abala noong Kalagitnaang
Panahon?

A. Daungan sa Tsina
B. Daungan sa Ehipto
C. Daungan sa Pransya
D. Daungan sa Ingglatera.



TAKDANG ARALIN:

Panuto: Isulat sa kahon ang katangian nang bawat sistema.

Sistema:
Bourgeoisie
Merkantilismo
Monarkiyang Nasyonal






































1 komento:

  1. Casino & Golf Resort - Mapyro
    Casino & Golf 시흥 출장마사지 Resort is a 1-million-dollar resort in Cabazon, 공주 출장마사지 California. It was created to serve the needs of  Rating: 8.2/10 · ‎8 reviews · ‎Price range: $$ (Based on Average Nightly Rates for a Standard Room from our Partners)What are some 의왕 출장샵 of the property amenities at Casino & Golf Resort?Which room amenities are available at 익산 출장샵 Casino & Golf 영천 출장안마 Resort?

    TumugonBurahin